Janno, nag-react sa sariling video scandal

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG post ni Janno Gibbs na “less judgment, more kindness more compassion” ang naisip ng mga nakabasa na reaction niya sa kumalat niyang video scandal.

Positive ang comments kay Janno, naunawaan siya ng followers at fans niya at suportado rin siya ng mga kaibigan sa showbiz industry. Kabilang sina Ogie Alcasid, Roderick Paulate, Gretchen Barretto na nag-comment ng “couldn’t be more true. chin up!!!! We are only Human!!!”, sa mga showbiz friends niyang nagpaabot ng kanilang suporta sa aktor.

Wala kaming nabasang mga negative reactions at wala ring nam-bash kay Janno na tiyak na ikinatuwa nito. Siguro naman ay hindi na niya uulitin ang pagpo-post ng video scandal.

-NITZ MIRALLES