Bangko-Perlas 1, hataw sa BVR Xmas Tour

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

INANGKIN ng Banko-Perlas 1 duo nina Dzi Gervacio at Bea Tan ang kampeonato sa women’s side matapos itala ang 21-8, 21-18 panalo kontra National University-Boysen tandem nina Roma Doromal at Kly Orillaneda sa Beach Volleyball Republic On Tour December Open 2018: A Christmas Rally nitong Linggo sa Sands SM By The Bay sa MOA grounds sa Pasay City.

Sa kalalakihan, inangkin naman ng Air Force ang titulo matapos manaig nina Ranran Abdilla at Jessie Lopez laban sa Cignal pair nina Fauzi Ismail at Edmar Bonono, 21-17, 21-18.

Nakaagaw naman ng eksena ang mga tinaguriang “phenoms” na sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena na namayani aban kina Charo Soriano at John Vic de Guzman, 23-21, sa ginanap na celebrity match na idinaos para sa benepisyaryong Mindanao State University-Marawi College of Sports, Physical Education and Recreation Academy.

Nagwagi din ang Team Idol na binubuo nina Philippine beach volleyball legends Rhovyl Verayo, Jasper Jimenez, Jun Gallo at guest player Mike Shavrak kontra ss Team Lodi na binubuo naman nina Ravena, De Guzman, Sue Roces at Philip Bagalay, 21-17, sa isa pang exhibition match.

Hindi natalo sa limang laro, tinapos nina Gervacio at Tan ang Cinderella run nina Doromal at Orillaneda na dumaan pa sa dalawang do-or-die matches bago umabot ng Finals.

Nagwagi naman ang University of Santo Tomas-Maynilad tandem nina Babylove Barbon at Gen Eslapor laban sa Creamline pair nina Fille Cayetano at Kyla Atienza, 17-21, 21-12, 15-8, para tumapos na pangatlo sa women’s division.

Tumapos namang pangatlo sa men’s division ang Tiger Winx tandem nina KR Guzman at Krung Arbasto makaraang igupo ang UST-Maynilad duo nina Rancel Varga and Efraim Dimaculangan, 21-14, 21-12,21-17, 19-21, 15-11.

-Marivic Awitan