Doromal-Orillaneda, papalo sa BVR Finals

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

MULA sa ilalim ng standings, umariba ang tambalan nina Roma Doromal at Kly Orillaneda ng National University-Boysen, upang maisaayos ang championship duel sa liyamadong karibal na sina Dzi Gervacio at Bea Tan ng BanKo-Perlas sa Beach Volleyball Republic On Tour December Open 2018: A Christmas Rally nitong Linggo sa Sands SM By The Bay.

Naghabol sina Doromal at Orillaneda mula sa 2-8 paghahaiwan para mapabagsak ang tambalan nina University of Santo Tomas-Maynilad’s Babylove Barbon at Gen Eslapor, 16-21, 21-16, 15-12.

Sa hiwalay na semifinal, napanatali nina Gervacio at Tan ang malinis na karta nang higitan sina Creamline’s Fille Cayetano at Kyla Atienza, 21-16, 20-22, 15-11.

Naitala nina Doromal at Orillaneda, nagwagi kina Air Force’s May Ann Pantino at Jozza Cabalza sa huling araw ng elimination match nitong Biyernes, ang ikalawang sunod na do-or-die match nang gapiin sina PetroGazz’s Cienne Cruz at Jonah Sabete nitong Sabado.

Target ng pambato ng NU ang mapanatili ang matikas na kampanya laban sa paboritong sina Gervacio at Tan sa championship match.

Sa men’s semifinals, umariba ang tambalan nina Air Force’s Jessie Lopez at Ranran Abdilla, gayundin ang Cignal’s Fauzi Ismail at Edmar Bonono para maisaayos ang Finals.

Giniba nina Lopez at Abdilla ang pamamayagpag ng Tiger Winx’s nina KR Guzman at Krung Arbasto para makalaipit sa ikalawang sunod na BVR leg gold matapos manalo, 21-17, 21-18 kontra UST-Maynilad’s Rancel Varga and Efraim Dimaculangan, 21-14, 21-12.