Wannabe actress, naglaho na nang i-break ng aktor

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KUNG dati ay laman ng mga pahayagan at social media ang pangalan ng wannabe actress na nakarelasyon ng aktor, hindi na ngayon matapos na maghiwalay sila.

Si Wannabe Actress ay napasama sa ilang serye, pero supporting lang at ‘yung iba ay cameo role pa, kaya hindi siya sumikat. Kapag nababanggit nga ang name niya ay kailangang ikabit pa siya sa aktor para maalala.

“Ah, the girlfriend of (actor),” ganito lagi ang reaksiyon ng tao.

Kataka-taka nga dahil marunong naman siyang umarte at okay naman siya sa screen, kaya bakit hindi siya sumikat? Seryoso naman siya sa craft niya dahil nga pangarap niya talagang maging artista. Marahil ay hindi pa niya panahon.

Sa ngayon ay totally wala nang alam ang showbiz kay Wannabe Actress kung nag-e-exist pa ba siya, dahil hindi na siya napagkikita pa. Pero nakita namin siya nang manood kami ng isang musical play at talagang hindi siya kilala ng lahat, dahil ilang beses siyang nasalubong at nabangga pa ay hindi man lang siya nilingon, as in.

Marahil kailangan ni Wannabe Actress na i-repackage ang imahe niya para magkaroon ulit siya ng career.

Dahil ang aktor na rating karelasyon ni Wannabe actress ay kaliwa’t kanan ang shows at baka isang araw, magsama sila sa isang project. Walang imposible sa showbiz.

Ay may pahabol pala kami, dapat sigurong matutong makisama si Wannabe Actress sa entertainment media/bloggers/online writers dahil iisa ang komento sa kanya ng mga ito: “Hindi makakilala.”

-Reggee Bonoan