Kris, mamimigay ng 2 LV bags, 1 Gucci

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAGPARAMDAM si Kris Aquino sa followers niya sa social media na muli siyang mamimigay ng bags.

Bukod sa two LV bags, magbibigay din siya ng Gucci bag ‘pag umabot na sa four million ang followers niya sa Instagram. At present, may 3.9 million followers na si Kris sa IG.

Bago ang pa-bag, may kuwento muna si Kris na kailangang basahin, pati na ang mechanics kung paano makukuha ang ipamimigay niyang bags.

“I think most of you know me well enough that I don’t post when I’m unhealthy. The weekend until today was rough BUT i was finally okay enough to attend a dinner meeting… @hellokris & @paanipedro said we are close to reaching a milestone IG moment…they also reminded me I haven’t awarded the LV Neverfull.

“We’ll choose the recipient of the bag & I’ll announce the winner from among my followers who will like this post & because it’s Christmas I’ll choose 1 more person to receive another LV from my collection, a simple way of expressing my love & gratitude because you’ve chosen to join my sons & me in our journey.

“Advanced Merry Christmas… please give me a shoutout for when we’ll reach 4M because when we do reach that I’ll be sharing 1 of my Gucci bags. #lovelovelove.”

Nakakalungkot lang na ang ganda ng intention ni Kris na magpasaya sa Pasko sa kanyang followers, pero naging daan ‘yun nang pagtatalo ng iba niyang followers. May nag-suggest kasi na ibenta ni Kris ang ipamimigay na bags at ang pagbebentahan ay gamitin to feed the homeless this Christmas.

May mga pumalag, marami na raw charities na tinutulungan si Kris na hindi alam ng iba. This time, let Kris decide what she wants to do with her bags. Ayun, iniwan namin ang IG ni Kris na may nagtatalu-talo pa.

Anyway, my Christmas wish for Kris ay sana, hindi na siya magkasakit, gumaling na siya para she’s back to her old self!

-Nitz Miralles