Isa pang Dalian train ng MRT, bumiyahe na

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Nagsimula na ring bumiyahe kahapon ang ikalawang Dalian train ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr), dakong 9:00 ng umaga nitong Martes nang simulan nilang i-deploy sa riles ang naturang tren, na may tatlong bagon, ngunit hanggang 2:00 ng hapon lang muna ito pinabiyahe.

Tulad ng unang Dalian train set, kinakailangan muna ng naturang tren na sumailalim sa 150-hour battery test bago ibiyahe nang tuluy-tuloy.

Matatandaang Oktubre 27 nang unang bumiyahe ang unang set ng Dalian train, at natapos nito ang 150- hour battery test nitong Nobyembre 21.

Mary Ann Santiago