Alden at Julie Ann, nagkabati na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALA kaming nakitang masama sa naglabasang photos na kuha sa taping ng Sunday Pinasaya na yakap ni Alden Richards si Julie Anne San Jose. Friendly hug ‘yun and in the spirit of Christmas, tuluyan nang kinalimutan at ni let go ng dalawa ang anumang isyu na mayroon sa kanila before na naging daan para magkaroon sila ng gap.

ALDEN STORY copy

After that hug ay nakapag-usap siguro ang dalawa kaya sa mga susunod nilang pagkikita ay wala nang ilangan at libre na silang makakapag-usap. Hindi na lang “hi” at “hello” ang magiging batian nila, baka nga magkabiruan pa.

Nabanggit kasi minsan ni Julie na casual sila ni Alden ‘pag nagkakasalubong sa Sunday Pinasaya kung saan pareho silang mainstay. But after the taping and after the hug, magiging friends na siguro uli ang dalawa.

Maganda ang simula ng 2019 para kina Alden at Julie dahil finally ay friends na uli sila. Pwede na siguro silang magkasama sa isang production number sa Sunday Pinasaya na silang dalawa lang at walang maraming kasama.

-Nitz Miralles

  • Broadminded

    AY MALI ka na naman aling NItz….edited po yan…pagmasdang mabuti, naging manananggal si Alden… mag-e-edit lang palpak pa…