Pacio, dedepensa sa ONE vs Suzuki

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

JAKARTA, Indonesia: Tampok na laban sa ONE: Eternal Glory sa Enero 19 sa Istora Senayan ang pagdepensa ni Pinoy champion Joshua ‘The Passion” Pacio ng kanyang ONE Strawweight World Championship laban kay challenger Hayato Suzuki ng Japan.

PACIO: Asam makabawi kay Suzuki

PACIO: Asam makabawi kay Suzuki

Nakopo ni Pacio, miyembro ng pamosong Team Lakay ng Baguio City, ang ONE Strawweight World Championship via unanimous decision kontra kay Yoshitaka Naito sa ONE: Conquest of Heroes nitong Setyembre.

Sa edad na 22-anyos inaasahang madodomina ng Pinoy fighter ang naturang dibisyon.

Nagkaroon na nang pagkakataon na magkaharap ang dalawa noong August 2017 sa ONE:Kings & Conquerors kung saan nagwagi ang pambato ng Takahagi City, Japan via rear-naked choke.

Nagpatuloy ang dominasyon ng Japanese fighter sa nakalipas na tatlong laban.

Ngunit, ibang Pacio ang makakaharap niya sa pagkakataong ito.