ONE Championship: Eustaquio nag-mountain biking upang manatiling aktibo

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Ang pagpapanatili ng magandang pangangatawan ay isang pagsubok para sa marami pero para kay ONE Flyweight World Champion Geje “Gravity” Eustaquio ay natural lamang niyang ginagawa ang mga bagay na mahalaga sa kanya.

Geje-Eustaquio-ADUX9735e-web

Ang 29 anyos na tiga Baguio City ay may self-professed love para sa mountain biking na nagbigay sa kanya ng magandang pangangatawan sa loob at labas ng training camp.

“I can say mountain biking is one of my favorite things in the world. When I ride, it gives me an adrenaline rush. I love conquering trails, and at the same time, it gives me access to the most wonderful creations of God,” sinabi ni Eustaquio sa ONEFC.com.

Kinoronahan bilang undisputed ONE Flyweight World Champion ngayong taon, inamin ni Eustaquio na naging mahalagang parte ng kanyang training regimen ang mountain biking.

Once a week mag-mountain biking sa Baguio City si Eustaquio tuwing training camps hanggang sa tatlong beses sa isang linggo kapag wala siyang laban.

“Riding bikes is a great workout. It makes me strong and fit, and keeps me sharp in fights, and of course, it is also a lot of fun,” pahayag niya.

“I think our bike rides have made me mentally strong as well,” he shared. “It keeps me focused because if you lose concentration on a bike ride, you could fall into a ravine instantly.”

“You have to dig deep within yourself in order to overcome some obstacles. It sounds scary, but it is a lot of fun.”

Naniniwala din si Eustaquio na isa ring paraan ang mountain biking na makapag-bonding kasama ang kanyang Team Lakay brothers.

“Riding bikes is also a means of bonding with the team. Edward (Kelly), Honorio (Banario), Joshua (Pacio), and others love to share stories and chit-chat on our adventures. It builds camaraderie and improves teamwork,” sabi niya.

“Outside the gym, Team Lakay is a family. We not only train together, but we also have fun together as well.”