Functional Medicine, makabagong paraan sa kalusugan

Filed under Features Balita RSS RSS Feed

MATAGUMPAY na nailunsad ng LifeScience Institute ang Functional Medicine bilang makabagong pamamaraan para malabanan ang complex chronic at noncommunicable diseases sa isinagawang medical conference kamakailan sa Enderun Colleges sa Taguig City.

DINAGSA ng mga delegado ang isinagawang medical conference ng LifeScience Institute para sa isyu ng Functional Medicine.

DINAGSA ng mga delegado ang isinagawang medical conference ng LifeScience Institute para sa isyu ng Functional Medicine.

Isinagawa ang Advancing Functional Medicine (AFM) conference,  kauna-unahang sa Southeast Asian region, sa pakikipagtulungan ng Institute of Functional Medicine (IFM).

Ayon sa World Health Organization, walo sa 10 kamatayan sa rehiyon at sanhi ng NCDs tulad ng chronic respiratory diseases, cancers, at cardiovascular diseases. Idineklara ng mga lider sa buong Pacific na ang suliranin ay isang malaking banta sa kalusugan at kaunlaran ng katauhan.

Bilang tugon sa NCD epidemic sa Pacific, inimbitahan ng LSI ang IFM faculty upang mailahad ang tulong ng Functional Medicine at ang papel na gagampanan para maapatan ang suliranin sa chronic NCDs.

Nakiisa sa naturang conference ang mga delegado mula sa United States, Malaysia, Indonesia, Thailand, India, Singapore at Philippines.

Ilan sa mga naging speakers sa pagpupulong sina IFM faculty members Dr. Lisa Portera-Perry at Dr. Michael Stone, gayundin si IFM Executive Director of Medical Education Dr. Robert Luby.

Sa pamamagitan ng temang “Uncovering the Interconnections Between Inflammation, the Gastrointestinal Tract and Toxic Exposure”, binigyan linaw ang pamamaraan para magamit ang Functional Medicine nang tama at batay sa kasalukuyang kalusugan ng mamamayan.

“This is the beginning of the next era of Functional and Lifestyle Medicine changing this part of the world,” pahayag ni Dr. Kristi Hughes, beterano sa paggamit ng Functional Medicine.

Para maipagpatuloy ang antas ng kaalaman hingil sa naturang isyu, magsasagawa ang  LSI ng Applying Functional Medicine in Clinical Practice (AFMCP) sa Mayo 7-11, 2019. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa programa.

Para sa karagdagang impormayson, makipag-uyganyan sa LSI sa mobile no. (0917) 829 7075 o visitahin ang www.lsi-sea.org.