4 na ‘nanlaban’, tumimbuwang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

NUEVA ECIJA – Apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang tumimbuwang sa magkakasunod na anti-illegal drugs operations sa nakalipas na dalawang araw.

Sa ulat sa tanggapan ni acting Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Leon Victor Z. Rosete, nakilala ang mga napaslang na sina Jomar Dela Cruz, ng Barangay Dimasalang; Crizen Madrid, ng Purok Matatag, Bgy. Barrera; Pedro Seratorre, 50, biyudo, ng Bgy. Valle Cruz; at Ivan Villanueva, ng Bgy. Dicarma, pawang sa Cabanatuan.

Ayon kay Supt. Ponciano Zafra, acting Cabanatuan City Police chief, nakaengkuwentro nina Senior Insp. Ronan James Eblahan si Dela Cruz sa Purok 2, Bgy. Sta. Arcadia, dakong 9:40 ng gabi nitong Sabado.

Sa bayan ng Talavera, nakasagupa naman nina Supt. Joe Neil E. Rojo, police chief, si Seratorre, habang sa Bgy. Rajal Norte sa bayan ng Sta. Rosa nadale ng grupo ni Chief Insp. Herbert Ocumen si Villanueva.

Pawang nakumpiskahan umano ng mga .38 caliber revolver, marked money, at ilang pakete ng hinihinalang shabu ang apat na napatay sa operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

-Light A. Nolasco