Regine-Lea colab, request ng fans

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NABANGGIT na namin noon ang posibilidad ng magkasama sa concert sina Regine Velasquez at Lea Salonga dahil kapwa na sila Kapamilya ngayon.

Lea-Salonga

Sa pagkakataong ito, mismong mga fans ang humihiling na mag-joint collaboration ang dalawang divas.

Both are consummate artists at musika ang common denominator ng dalawa. Halos magkasing-edad din sina Regine at Lea.

Grand winner si Regine ng Ang Bagong Kampeon, at napanood sa ilang comedy films sa Viva noong teenager pa siya. Nagkasala sila ni Lea sa Pic Pak Boom, pero in separate episodes. Nagbida naman siya sa pelikula opposite Christopher de Leon, sa Wanted Perfect Mother.

Produkto ng legitimate stage si Lea at hinangaan bilang child star sa Annie. Siya ang first Asian na gumanap bilang Fantaine at Epomine sa Les Miserables. K a m a k a i l a n , ipinagdiwang ni Lea ang kanyang 40th year sa showbiz via a concert sa PICC.

Big event kapag natuloy ang join collaboration nina Regine at Lea, na first time na magkakasama sa stage, if and when.

-Remy Umerez