Maine at Coco, distant relatives pala

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASAYA ang presscon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na kabilang sa official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa Christmas Day. Tampok sa pelikula ang tatlong lodi ng masa, sina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin.

Sa trailer pa lang ay kita na ang chemistry ng tatlo sa pagpapatawa, na tiyak na ikatutuwa ng mga manonood. May isang reporter tuloy na nagtanong kung bagay sina Coco at Maine at may possibility ba na ligawan ni Coco si Maine?

Mabilis na sumagot ang natatawang si Maine, at may inamin siya.

“Para po sa impormasyong ninyong lahat, magkamag-anak po kami ni Coco. Totoo po iyon at nalaman namin nang magkaroon kami ng family reunion this year.

“Nakita po namin sa malaking family tree namin naroon po ang name namin ni Coco. Kaya nang magsimula kami dito (shooting ng pelikula), alam na namin na magkamag-anak kami.”

Ang alam namin, sa mother side ni Maine na Capili kamag-anak niya si Coco, hindi sa Mendoza. Hindi yata naka-attend sa nasabing family reunion nila si Coco, kaya si Maine ang nagsabi sa kanya at naging topic nila iyon nang magsimula na silang mag-shoot ng movie. Kaya naman kaagad na naging comfortable sila sa isa’t isa.

“Nang sabihin po iyon sa akin ni Maine, tinanong ko ang lola ko kung may kamag-anak nga kami sa Bulacan. Iyon nga, si Maine pala,” kuwento naman ni Coco.

“Nang ma-meet ko ang family niya sa shooting, nahiya naman akong mag-approach. Kahit po distant relative na kami, kapag ganoong may family reunion, nagkikita-kita talaga ang mga magkakamag-anak.”

Sa movie na idinirehe ni Mike Tuviera, pare-parehong gumaganap na pulis sina Coco, bilang si Jack Halimuyak, Maine as Em Fernandez, at Vic bilang si Popoy Fernandez. Mag-ama sina Em at Popoy pero very protective sa ama ang dalaga.

Magkaka s ama s a i s a n g headquarters, nagkaroon ng misyon ang tatlo na magbibigay ng katatawanan, aksiyon at ma damdami n g drama sa pelikula.

Hindi raw lang iyon, sabi ni Vic, may sayawan at kantahan pa rin ang kanilang movie, na produced ng kanyang M-Zet Productions, CCM Film Productions ni Coco, at ng APT Entertainment ni Tony Tuviera.

Isang eksenang totoo namang kaabang-abang para sa movie ang pagge-guest ni Coco sa Eat Bulaga.

-NORA V. CALDERON