Jessy, handa nang mag-‘yes’ kay Luis

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ALMOST three years na palang mag-sweetheart sina Jessy Mendiola at Luis Manzano, kaya nabiro si Jessy sa presscon ng pelikula niyang The Girl in the Orange Dress kung kailan ba ang kasal nila. Naiinip na rin ang mommy ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos- Recto na magkaroon na ng apo.

Luis & Jessy

Kung sakali, ready na ba si Jessy kung magpo-propose ng kasal si Luis?

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Jessy. “Kung matagal na rin naman ang relasyon ninyo, alam mo nang puwede nang mag-propose sa iyo ang guy. Naniniwala naman kasi ako sa forever.”

Totoo raw na kapag nag-propose na sa kanya si Luis ay “yes” ang isasagot niya.

Last December 3, Jessy turned 26 years old, at isang romantic dinner daw ang ibinigay sa kanya ni Luis, plus a set of jewelry. Set of earrings, bracelet at necklace, pero walang ring.

Biro kay Jessy, tiyak na iyong ring ay ibibigay sa kanya kapag nag-propose na ng kasal si Luis.

If ever ba, ready na rin si Jessy na magkaanak pagkatapos silang ikasal ni Luis?

“Siguro po after two or three years pa,” maikling sagot ni Jessy.

Ano ang Christmas wish ni Jessy? May out-of-town trip ba sila ni Luis tulad ng nakagawian na nila?

“Wala pa pong plano, kasi nga may entry kami ni Jericho Rosales sa 2018 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Christmas Day,” sey ni Jessy tungkol sa pagbabakasyon nila ng boyfriend.

“Siguro po ang wish ko na lang, Christmas gift na sa akin ng moviegoers na panoorin ang movie namin dahil tiyak na magugustuhan nila ito at may mga makaka-relate sa story namin.

“First lead role ko po ito sa isang pelikula, kaya talagang ibinuhos ko ang kaya ko rito, kung ano ang hinihingi ni Direk Jay Abella sa eksena,” sabi pa ni Jessy.

-Nora V. Calderon