Jake Cuenca clean-living, young-looking

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MARAMING nanibago ngayon kay Jake Cuenca dahil young-looking siya sa edad niyang 31 years old sa Disyembre 30. Inakala ng mga sumusubaybay sa Los Bastardos sa ibang bansa na magkakaedad lang sila nina Albie Casino, Diego Loyzaga, Joshua Colet, at Marco Gumabao.

Los Bastardos presscon. Photo by Precious del Valle/Rappler

Tinatanong kami kung nagpa-botox ang aktor dahil bumatang tingnan kung ikukumpara sa pagganap niya sa katatapos na Blood Sisters kasama si Erich Gonzales.  Isama pa ang Ikaw Lang Ang Iibigin nila nina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Sakto naman na nakita naming nag-post ng litrato nitong Sabado nang madaling araw ang manager niyang si Neil De Guia, na magkasama silang nag-dinner kaya tinanong namin kung anong ginawa ni Jake sa mukha niya.

“Wala. Pumayat, ‘di ba? Nagpa-fresh. ‘Di na nagyoyosi at early matulog, dahil bigla naging sports echos si moking,” sagot sa amin ni Neil.

Nakakatanda talaga ang paninigarilyo, pero kailan pa humintong magyosi si Jake.

“Tagal na, mag-one year na ‘ata,” kaswal na sabi ng manager ng aktor.

Hindi na rin daw gumigimik si Jake, hindi tulad dati na halos laman siya ng bars gabi-gabi.

“Oo, hindi na palagimik, kapag kailangan na lang. Mula noong nahilig sa sports, natutong maging health conscious,” kuwento pa sa amin.

“Plinano n’ya (Jake) ‘yan, nagpa long-hair dati, then sabay paganda katawan para magmukhang young.”

Sino ang nag-impluwensiya sa aktor?
“Wala, basta bigla na lang.  Alam mo naman ‘yun pag gusto niya, gagawin niya.”

Inalam din namin kung sino ang inspirasyon ngayon ni Jake.

“Walang GF.  Minsan model ang idine-date, mga foreign models,” pambubuking sa amin ng manager ng aktor.

 

Reggee Bonoan