Edward kay Maymay: Acting is good therapy—Liza Lorena You’re an absolute star

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALA pang romantic relationship sina Maymay Entrata at Edward Barber, friends at love team pa lang sila sa ngayon, pero ramdam ang love, care at respeto nila sa isa’t isa. Puro good words ang sinasabi ni Edward tungkol kay Maymay kahit hindi naririnig ng dalaga, kaya masasabing totoo ang love and care sa kanya ng ka-love team.

Edward at Maymay copy

Naramdaman uli ng mga reporter sa presscon ng Fantastica ang deep friendship nina Maymay at Edward, kahit na ang closeness nila ay hindi pang-magdyowa. Magkatabi sila sa upuan, magkadikit ang mga braso at ramdam mong hindi ‘yun dahil sa romantic love, kundi love ng magkaibigan.

Kaya exciting abangan kung ano ang mangyayari sa friendship nila in the future. Mananatili ba silang magka-love team o magle-level up into a romantic relationship?

Nabasa pala namin ang isang post ni Edward para kay Maymay sa kanyang Instagram (IG) at sabi niya: “You’re a star. An absolute star. I know this is long overdue but you shouldn’t forget this: Nagdala ka ng karangalan sa ating bansa at ipinakita mo sa mga tao kung paano yakapin ang totoong pagkatao nila.

“You’ re an inspi rat ion to many, not just me. It’s an absolute pleasure to share this journey with you. You went into PBB as a girl with a dream, just a girl looking at the stars. Eventually you became one of them.

“And after Dubai…you’re shining brighter than any star in the sky. I’m happy I get to be the moon who gets to watch you from afar. Forever your number #0 fan. #NothingIsImpossible.”

-NITZ MIRALLES