Arjo, no comment tungkol kay Maine

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

WALA si Arjo Atayde sa presscon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, entry sa 2018 Metro Manila Film Festival, na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin.

Arjo

Present din sina Tirso Cruz III, Ryza Cenon, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, at Mark Lapid.

Sabagay, wala rin naman sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros, at wala na ring nagtanong kung bakit wala si Arjo.

After ng presscon, nag-guest si Arjo at sister niyang si Ria Atayde sa MOR 101.9 for Life para i-promote ang Maalaala Mo Kaya, na silang magkapatid ang tampok this Saturday.

May tanungan portion sa guesting, na kung ayaw sagutin ang tanong ay obligadong mag-iwan ng kahit anong gamit niya ang guest, kapalit ng hindi pagsagot.

Tinanong si Arjo k u n g s i l a b a n g nali-link sa kanya n a s i M a i n e . Hindi sumagot s i Arjo, nag-smile lang at piniling iwan ang suot niyang bracelet.

I n f a i r n e s s , s a presscon ay sumagot na si Maine na nasa “getting to know each other” stage sila ni Arjo. Tama rin naman ang sinabi ng dalaga na kundi sila lalabas, paano sila magkakausap at mas makikilala ang isa’t isa?

Hopefully, sa ibang TV guesting at mall tour ng cast ng Jack Em Popoy ay makasama na si Arjo, dahil may fans din naman na gusto siyang makita, lalo na kung magkakasama sila ni Maine.

Sa direksiyon ni Mike Tuviera, showing na ang Jack Em Popoy sa December 25.

-Nitz Miralles