Tatanggap ng PWDs, may insentibo—DoLE

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Pagkakalooban ng insentibo ang mga kumpanyang tatanggap ng manggagawang may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).

Ito ang tiniyak ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III.

Aniya, kabilang sa mga insentibo ang isang taong “immunity from inspections” na taunang isinasagawa ng kaagwaran, alinsunod sa labor law.

Paliwanag ni Bello, ang nabanggit na isang taong immunity ay hindi nangangahulugang ligtas na sila sa anumang kaso kapag lumabag sa anumang batas sa paggawa.

Nakapaloob sa Republic Act 10524 na ang mga kumpanyang pribado at sa gobyerno na may mahigit 100 empleyado ay kailangang maglaan ng isang porsiyento sa kanilang “job slots” para sa mga kuwalipikadong PWDs.

-Mina Navarro