Saludar, wagi via 8th round TKO

Filed under Boxing Balita RSS RSS Feed

SA kanyang pagbabalik bilang bantamweight boxer, pinatulog sa 8th round ni one-time world title challenger Froilan “The Sniper” Saludar si dating Philippine flyweight champion Donny Mabao nitong Linggo sa Barangay Poblacion, Iligan City, Lanao del Norte.

Natalo sa WBO flyweight title bout si Saludar kay dating Japanese champion Sho Kimura sa kanyang huling laban noong Hulyo 27 sa Qingdao, China via 6thround TKO kung saan inamin niyang nahirapan na siyang kunin ang timbang sa 112 pounds division.

“Saludar dominated Kimura in the first two rounds. But the Japanese showed resiliency and heart and unloaded hellish body shots, eventually dropping Saludar in the fifth and finishing the job in the sixth,” ayon sa Philboxing.com.“Saludar’s camp cited problems in dropping to 112lbs as the main reason for the collapse. They planned to move up a couple of divisions higher.”

Para sa laban kay Mabao, tumimbang ang 29-anyos na si Saludar na 117 pounds samantalang 119 pounds ang kanyang karibal na sumuko sa bigwas sa bodega eksaktong 1:56 sa 8th round.

Napaganda ni Saludar ang kanyang kartada sa 29-3- na may 20 pagwawagi sa knockouts at umaasang papasok sa WBA rankings dahil nakalista pa rin siyang No. 10 Sa flyweight division.

-Gilbert Espeña