Dating love team, pilit pinagka-comeback

Filed under Blind Item, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MARAMI palang natatanggap na request letter ang kilalang TV network at movie outfit mula sa loyal supporters ng dating magka-love team na pagsamahin sila sa isang progr ama a t ipag-produc e ng pelikula dahil siguradong magiging box-office ito.

Kuwento ng aming source: “Request nila (supporters), magsama ulit sa movie sina (aktor at aktres), dahil kikita raw. Huwag na raw sumugal ‘yung mga producer sa mga artistang hindi naman kumikita ang pelikula maski na big stars pa.”

Sinang-ayunan namin ang hiling ng supporters dahil kami rin ay naniniwalang kikita ang comeback movie ng dalawa, dahil hindi pa rin sila iniiwan ng mga tagahanga nila.

“E, sino ba ang may ayaw? Taun-taon may offer sa kanila (aktor at aktres), kaso lagi nilang sagot, ‘busy, busy, busy.’ Anong gagawin ng producers kung sila mismo ayaw nila? Willing nama n g ma g b a y a d a n g producers ng talent fees nila,” katwiran ng aming kausap.

Ang alam namin, ang aktor ang busy nga dahil may existing shows siya sa TV network, samantalang ang aktres ay parang wala namang ganap masyado. Bihira nga siyang makita ngayon sa telebisyon. Wala rin siyang pelikula sa pagkakaalam namin.

“Exactly, so kanino ang problema? Kaya ‘yung mga request letters na natatanggap nu’ng network, sinasagot yata talaga nila talaga. Kuwento lang din sa akin,” say ng aming source.

Natawang sabi pa ng kausap namin, “’Yung mga artista ng (movie outfit), puro pasaway.”

Hindi na kami kumibo kasi totoo naman. Ha, ha, ha!

-Reggee Bonoan