‘Wag kang manatili sa love na ‘di ibinabalik sa ‘yo — Kim

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASAYA talaga ang spresscon kapag kasama si Kim Chiu, dahil tiyak na maraming masusulat. Kahit kasi matagal na siya sa showbiz ay hindi pa rin nawawala ang pagkataklesa niya o pagiging totoo sa sarili.

Kim copy

Kaya sa grand presscon ng pelikulang entry ng Regal Films na One Great Love, na idinirek ni Eric Quizon, talagang tawanan ang lahat sa kanya sa tanong kung naniniwala siya sa “one great love”.

Hindi naman naging maramot sa pagkukuwento ang aktres na naranasan niya ang one-sided love, o ‘yung siya lang ang nagmamahal nang walang kapalit.

“Ako, naniniwala ako sa one great love. Nu’ng una, nahihirapan akong intindihin ang kaibahan ng true love, great love, first love, one-sided love,” sabi ni Kim.

“Ang daming iba-ibang klase ng love kaya ang daming nababaliw talaga sa love, pero naniniwala po ako sa great love.

“Lahat naman po tayo napupunta sa one-sided love. Siguro na-experience ko ‘yun for a time, pero bumitaw na rin ako.

“Pag one-sided, dapat hindi na kinakapitan. Dapat bumitaw ka na rin. Kapit ka sa ibang love,” sabi pa ni Kim. “Kapag may sina-side na siyang ibang love, napunta na sa one side, ‘Ako na lang ata ito. Sige, alis na rin ako’. ‘Yung ganu’n. Marami naman pong lalaki sa mundo.

“Huwag kang manatili sa love na hindi naman ibinabalik sa ‘yo. Dapat ibalik sa ‘yo. Du’n pumapasok ang true love, kasi nagko-compromise kayo sa isa’t isa,” pagkukuwento ng aktres.

Bagamat walang binanggit na pangalan si Kim kung sino ang one-sided love ay iisa naman ang nasa isipan ng mga katoto n a n a g b u l u n g a n p a g k a t a p o s magkuwento ng aktres, si Gerald Anderson.

Pero sa ngayon ay sobrang saya na raw ni Kim na hindi man banggitin ang pangalan ng boyfriend niyang si Xian Lim at hindi pa rin niya nasabing ang aktor na ang kanyang one great love.

Nang banggitin kasi ni JC de Vera na sobrang saya niya ngayon sa piling ng kanyang mag-ina at m a s a s a b i n g sila ang ‘one great love’ , ay nasabi ni Kim: “Tulad ni JC, sana mahanap ko na rin ang o n e g r e a t love ko.”

S a m a d a l i n g salita, gusto na ring magkaroon n g s a r i l i n g pamilya ng aktres para mabuo ang one gr eat love niya.

A n y w a y , maraming nagulat kay Kim sa karakter niya sa pelikula nila nina JC at Dennis Trillo, dahil pumayag na siya sa kissing scene at bath tub scene bagay na hindi niya nagawa sa Star Cinema movies.

Katwiran ng aktres ay gusto niyang sumubok ng ibang karakter na hindi pare-pareho ang ginagawa niya.

“Lagi naman po naming sinasabi na, ‘Iba pa kami dito, iba po kami dito,’ but this time, iba talaga.

“Parang nag-five steps higher ako. Lumabas ako sa comfort zone ko, kasi gusto ko makita ng mga tao ‘yung ibang ako.”

May mga suggestions din si Kim sa mga eksena at natuwa siya dahil open si Direk Eric sa ganito.

“I’m very happy din na sina Direk, open sila sa suggestions ko. Sobra akong na-happy na naa-appreciate nila ang comments ko. First time ko na puwede pala nila akong pakinggan. Puwede ko palang sabihin ‘yung gusto ko. So, this movie, sobrang excited talaga ako na mapanood siya ng mga tao. Kahit ako, na-excite ako sa outcome ng pelikula,” nakangiting sabi ng aktres.

E, baka kasi ngayon lang din naman nagbigay ng suhestiyon si Kim kaysa sa mga nagawa niyang pelikula noon?

Anyway, malaking hamon talaga para sa aktres ang karakter niya sa One Great Love dahil malayo ito sa mga nagawa niyang pelikula sa Star Cinema.

Bukod kina JC at Dennis ay kasama rin sina Miles Ocampo, Nina Dolino at Marlo Mortel.

-Reggee Bonoan