LeBron, humataw sa Lakers

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

LOS ANGELES (AP) — Nagbuhos si LeBron James ng 42 puntos para sandigan ang Lakers sa 121-113 panlo kontra San Antonio Spurs nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Lebron James

Lebron James

Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 22 puntos at siyam na rebounds para sa Lakers.

Nanguna si DeMar DeRozan sa Spurs sa naiskor na 32 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng Toronto Raptors, sa pangunguna ni Kawhi Leonard na may 36 puntos, ang Philadelphia, 113-102; naitala ng Washington Wizards ang ikatlong sunod na panalo nang talunin ang Atlanta Jawks, 131- 117.