Joey, ‘di na makapaghintay sa kanilang bagong ‘bahay’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY bago nang tahanan ang Eat Bulaga simula sa December 8. Bago lumipat ng programa mula sa dating tahanan sa Broadway Centrum, binisita ng veteran host na si Joey de Leon ang kanilang lilipatan sa may Marcos Highway na sakop ng Marikina City.

Joey

Sa nakaraang Instagram post ni Joey nitong Martes, makikita ang facade ng APT Studios, ang bagong studio ng Eat Bulaga sa Marcos Highway.

Saad ni Joey sa caption ng ipinost niyang litrato, “After the 6:00 AM Mass at the Shrine of Saint Therese of the Child Jesus today, visited Eat Bulaga’s new home!”

Noong Linggo naman, nag-post si Joey sa Instagram ng group photo ng Eat Bulaga! hosts, kasabay ng pagkumpirmang lilipat na nga sila ng studio matapos ang mahaba-habang panahon.

Sa kasalukuyan, ginaganap pa rin ang Eat Bulaga! sa Broadway Centrum sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Sabi pa ni Joey sa post: “Matapos ang halos Pitong Libo at Dalawang Daang tanghaliang pinagsaluhan natin sa Broadway Studios, LILIPAT na kami ng bahay! Bisitahin ang bago naming haybols sa December 8!”

-ADOR SALUTA