Dingdong, unang gumupit sa buhok ni Zia

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HANDS-ON talaga ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang panganay na anak na si Letizia or Zia, dahil pati ang unang haircut ni Zia nitong Lunes, after three years, ay dokumentado nila.

Zia

Ipinost ni Dingdong ang litrato ng unang haircut ni Zia sa Instagram account niya: “Since most of us probably won’t remember the details of our first haircut, we decide to document this ‘ceremonial’ activity for our little Letizia. Her reaction was priceless! Watch the full video of this week’s entry to #TheDantesSquad ekek. Just click the link up in my bio, at ayun na!”

Magkasama ang mag-asawa nang pagupitan nila si Zia sa favorite hairstylist ni Marian, si Celeste Tuviera. Kung si Dingdong daw ang masusunod gusto nito ay long hair ang anak, pero dahil magiging Ate na siya in a few months, pinaputulan na nila si Zia ng buhok.

May pamahiin pala na kung sino raw ang unang gugupit sa buhok ng bata ay magiging kasing talino nito, kaya sino pa ba ang unang gumupit ng buhok ni Zia, kundi si Dingdong, bago ito itinuloy ni Celeste.

Kita sa video kung gaano kasaya si Zia habang ginugupitan siya ng buhok, ‘di tulad ng ibang bata na natatakot.

Nagpasalamat din sina Dingdong at Marian dahil kahit konti pa lang ang entry nila sa kanilang YouTube channel ay umabot na agad ito sa 100,000 subscribers. Umabot naman sa mahigit na one million ang views ng gender reveal ng coming baby boy nila. Lagi kasing nakaabang ang loyal followers ng dalawa.

Anyways, abala rin si Dingdong sa taping ng sinusubaybayang action-drama series nila ni Dennis Trillo, ang Cain at Abel at sa promotion ng pelikula niya sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang Fantastica.

Medyo nagulat ang mga viewers ng TV Patrol nitong Martes ng gabi nang mapanood nila roon si Dingdong, pero sabi ng GMA Network, nagpaalam naman sa kanila ang aktor na maggi-guest sa nasabing news program para sa promosyon ng Fantastica.

-Nora V. Calderon