Cast ng ‘Fantastica’ kulang sa bonding time

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKA-POST sa Instagram account ni Dingdong Dantes ang nabanggit nila nina Vice Ganda at Richard Gutierrez na usapang magkakape sila pagkatapos ng presscon of Fantastica. Nangyari nga ang plano after the presscon, hindi lang nabanggit kung saan silang kapehan pumunta, ngunit natuloy ang pinag-usapan ng cast.

Cast ng 'Fantastica' copy

Hindi kumpleto ang cast dahil ang nasa picture lang ay sina Dingdong, Richard Gutierrez, Direk Barry Gonzales, Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Mico del Rosario at Vice. Wala sa picture sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, Jaclyn Jose at iba pang mga komedyante.

Nabanggit kasi ni Vice na dahil pareho-pareho silang busy, wala silang time para makapag-bonding off-cam dahil ang mga nabanggit na bonding lang ng cast ay mga nangyari sa shooting.

Caption ni Dingdong sa larawan: “Wish we had more time to do this while shooting our movie. Looking forward to future bonding moments with our cast! #Fantastica- paparating na ngayong Pasko!”

Ang pangako ni Vice, ‘pag napanood ang Fantastica ay lalabas ng sinehan ang moviegoers nang masaya at baka nga nakatawa pa. Hindi masu-short change ang tao at hindi panghihinayangan ang ibinayad sa sine.

Showing na simula sa December 25 ang Fantastica, na may 16 na cast, na pinakaraming sa lahat MMFF entry. Walang problema sa presscon dahil maluwag ang Dolphy Theater. Wala ring problema sa TV guesting dahil puwedeng hindi sila sabay-sabay tawagin para interbyuhin.

Paano kaya sa Parade of Stars sa Dec. 23, magkasya kaya ang buong cast sa isang float o kailangan ng Star Cinema ng dalawang float?

-Nitz Miralles