Dalawa sa robbery group, timbuwang

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Dalawang lalaki na umano’y miyembro ng robbery group ang napatay nang manlaban umano sa mga awtoridad sa Oplan Sita sa Cainta, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Isa sa dalawang suspek ay kinilala sa alyas na JR, habang patuloy na kinikilala ang isa pa, na kapwa kaanib umano ng Orendain Robbery Group na nag-o-operate sa Rizal.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanilang mga tauhan sa Cainta Junction PFCI, Barangay San Andres nang mapuna ang mga suspek, sakay sa puting scooter, dakong 1:30 ng madaling araw.

Umiwas umano ang mga suspek sa mga awtoridad, na nagresulta ng habulan.

Pinaputukan pa umano ng backrider ang mga pulis.

Habang nakikipagbarilan sa mga awtoridad ay naaresto naman sila ng nagpapatrulyang mga pulis.

Sa halip na sumuko ay binaril umano ng mga suspek ang mga pulis, ngunit sila ay bumulagta.

-Mary Ann Santiago