ONE Championship: Folayang ibinunyag ang sikreto sa pagbawi ng lightweight title

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Nitong Nobyembre 23, matagumpay na nabawi ni Filipino martial arts hero Eduard “Landslide” Folayang ang ONE Lightweight World Title matapos madomina si Amir Khan ng Singapore sa co-main event ng ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS.

Ito ang pangatlong diretsong panalo ni Folayang simula noong matalo siya sa parehong lugar isang taon nang nakararaan.

Alam ni Folayang na delikadong kalaban ang Singaporean pero naniwala siya sa well executed nilang game plan para sa gabing iyon.

“Khan is a very tough athlete,” sabi ni Folayang.

“Our game plan was to punish him when he switched stances and score as much as I could in the clinch, while at the same time, avoid his left kick and his strong left hand.”

“We all know that he has knockout power in those hands–that’s why I was very cautious when executing my offense. Luckily, everything went perfectly and we are able to secure the victory.”

Inihayag din ni Folayang na parte din ng kanilang strategy ay dalin ang laban sa ground pero agad din niyang iniba ito matapos maramdamang baka makalamang sa kanya si Khan sa kanilang grappling exchanges.

Nitong nakaraang Setyembre, napasuko ni Khan si Honorio “The Rock” Banario sa unang round sa pamamagitan ng rear-naked choke sa ONE: BEYOND THE HORIZON sa Shanghai, China.

“We had plans to take him down, but eventually, we figured out that he was also waiting for that opportunity. That’s why we didn’t focus on that strategy that much, and just stuck with our original game plan,” paliwanag ni Folayang.

“We were able to predict the things he presented inside the cage. I was able to stop all those attempts.”

Inamin niyang ang laban ay mas madaling sabihin kaysa tapusin, lalo na’t ang kaharap niya ay isang batang determinadong manalo

“I had my chances to finish him, but he is a tough warrior and came prepared to fight,” pahayag niya. “But a win is a win. What’s important is that I have secured the victory and the belt is already back here in the Philippines.”