Wannabe actress, feelingera sa laki ng talent fee

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

NADISMAYA ang kilalang producer sa talent fee ng wannabe actress dahil nag-quote raw ito ng super-taas gayung wala pa naman siyang napapatunayan sa pelikula o sa show na napapasama siya.

Ang kuwento ng kilalang producer: “Grabe, huh, dinaig niya ang talent fee ni (aktor) na kaliwa’t kanan ngayon ang shows at movies. At si (aktor) naging leading man na sa pelikula. Si (wannabe actress) puro suporta lang sa bida o bestfriend na bilang lang ang linya. Bagay lang siya sa barkada movie.”

Isasama sana si wannabe actress sa isang barkada movie, pampadagdag lang dahil ‘yung gusto talaga ng producer na i-cast ay hindi swak sa schedule ng shooting dahil kasalukuyang may teleserye.

“Imagine per day ni (wannabe actress) 35k? Same sila ng talent fee ni (aktres na nagbida na sa movie),” kaswal na sabi ng producer.

Aba’y nagulat din kami sa sobrang taas nga. Kaya pala wala siyang masyadong project ngayon dahil siguro sa laki ng talent fee niya, dahil hindi rin naman siya kagalingan at higit sa lahat, “ayaw ko, may attitude problem pa. Tutulungan mo na nga, arte pa,” sabi naman ng assistant director na naka-trabaho na ng wannabe actress.

Ano nga ba ang huling project ni wannabe actress? “E, di ‘yung pelikulang hindi kumita kasi lahat sila waley,” paismid na sagot ng taga-production na nakatrabaho nito.

-Reggee Bonoan