Ateneo booters, kumikig sa UAAP 81

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

GINAPI ng Ateneo ang University of Santo Tomas, 4-1, nitong Linggo sa UAAP Season 81 juniors football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Umiskor ng goal sina Luard Abaa at Kendryx Soriano sa first-half, habang kumana sina Andy Roxas at Austin Basconcillio sa second half.

Matapos magwagi sa season-opening, 1-0, kontra De La Salle- Zobel, tangan ng Ateneo ang solong liderato na may anim na puntos.

Nagtapos naman sa goalless draw ang laban ng defending eight-time champion Far Eastern University-Diliman at National Universit.

Haharapin ng Bullpups ang Eaglets sa Linggo.