Jasmine laging ‘take one’, ayaw maging COD

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

MEDYO tumaba na si Jasmine Curtis-Smith nang makita at makausap namin sa taping ng Pamilya Roces. Hindi na siya kasing-payat gaya nang una namin siyang ma-interview. Hindi na lang namin sinabi sa kanya ang aming obserbasyon na tumaba na siya dahil baka ayaw nitong pag-usapan ang kanyang timbang.

Jasmine copy

Parang na-pressure si Jasmine sa ipinarating namin na ayon kay André Paras, “take one” artist si Jasmine, dahil lahat ng eksena niya with André at sa ibang cast ay laging take one lang. Sabi tuloy ni Andre, kailangan niyang galingan ang acting niya at kailangang one hour before the take, memorize na niya ang lines niya dahil ayaw daw niyang mapahiya kay Jasmine.

“Grabe naman si André! Ginagawa ko lang ang dapat dahil ayokong ako ang maging cause of delay (COD) sa taping. Ayokong kagalitan ako ni Direk Joel (Lamangan) at ayokong ma-disappoint siya sa akin. Kaya I make it a point that I know my lines and my blocking,” sabi ni Jasmine.

Pasalamat si Jasmine na hindi siya hirap mag-memorize ng lines at malaking tulong din na photographic ang memory niya. ‘Yun bang isang basa lang niya sa script, namememorya na niya ang lines niya.

“Kinilig naman ako sa sinabi ni André na take one artist ako at natutuwa rin na napapansin ‘yun. Siguro rin dahil love ko ang character ko sa Pamilya Roces na si Pearl, kaya ganado akong i-deliver ang lines niya at i-act ang mga eksena niya. Sa mga gusto si Pearl, marami pa kayong aabangan sa kanya,” pangako ni Jasmine.

Anyway, ibinalita na rin ni Jasmine na sa Pasko, uuwi siya ng Australia to be with her mom and brother na last year ay hindi niya nakasama dahil dito siya nagdiwang ng Christmas and New Year.

“This year, ang mom at brother ko ang kasama ko, family time with them. Nami-miss ko na sila. Up to New Year lang naman ako, ako lang ang aalis,” wika ni Jasmine. Ibig sabihin, maiiwan ang boyfriend niyang si Jeff Ortega.

-Nitz Miralles