Gary V., may US tour next year

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

BAGAY ang titulong He’s Back sa US Tour ni Gary Valenciano dahil nakabalik na nga si Gary sa pagiging total performer. Nagsimula siyang magtanghal dito sa ‘Pinas at next year, sa ibang bansa na niya muling ipamamalas sa kanyang fans at supporters na hindi pa rin nawawala ang kanyang husay at galing.

Produced ng Starmedia Entertainment ang He’s Back at sa Abril yata ito ilulunsad ng kanyang tea. Maraming nag-aabang kay Gary dahil mna-miss nila ito makaraang magpahinga sa pagtatanghal dahil sa pinagdaanan niyang heart at kidney operation.

Si Angeli Pangilinan- Valenciano ang nagbalita na sa Las Vegas, New York, Los Angeles, Pasadena, Moronggo in Californina, at Seattle ang mga destinasyon ni Gary. Magkakaroon din daw ng Canada tour si Gary sa May.

P o s t n i Angeli: “I can only thank God t h a t Gary i s alive and r e a d y t o d o concerts again. The Lord is merciful and good. Apart from Him we can do nothing. Thank you for all your prayers. He’s back. But only by God’s grace.”

Maiksi lang ang post ni Gary sa darating niyang US Tour: “This really isn’t too far away friends!!! #thankful.”

Inaabangan na rin ng fans ng total performer ang kanyang major comeback concert, na request ng fans ay ganapin na din sa susunod na taon. Sa ngayon kasi, mall show muna ang ginagawa ni Gary at makikitang sabik ang fans niya dahil laging puno ang malls na pinupuntahan niya.

-NITZ MIRALLES