Mordido at Buto, naghari sa Olongapo Cup

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

OLONGAPO CITY — Pinangunahan nina Dasmariñas City’s pride Justine Diego Mordido at Philippine Sportswriters Association awardee Al-Basher Buto ang talaan ng kampeon sa katatapos na Mayor’s Cup Invitational Standard Age Group Chess Championships nitong Linggo na ginanap sa Gordon College sa Tapinac, Olongapo City dito.

Si Mordido, isa sa country’s top bets at produkto ng Dasmariñas Chess Academy na itinatag nina Dasmariñas City mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., at national coach International Master Roel Abelgas ay tuampos ng 5.5 points mula five wins at draw para makopo ang titulo ng U15 category.

Habang si Buto na ipinagmamalaki naman ng Cainta, Rizal, at 2017 Pahang, Malaysia Asian Age Group Chess Championship multi-gold medalist at 2017 Panjin, China Asian Schools Chess Championships gold medalist ay mas impressive ang showing. Siya ay tumapos ng may malinis na kartada sa U9 category na may perfect six points.

Kasama nina Mordido at Buto na nagpakitang gilas din para manguna sa kani-kanilang age group category sa two-day chessfest na inorganisa ni Joel Villanueva sa pakikipagtulungan nina tournament director Alexander “Alex” Dinoy at chief arbiter Lito Abril ay sina John Philip Oncita (U18), Robert James Perez (U12 Boys) at April Joy Claros (U12 Girls).