Alden at Andrea, na-develop sa ‘Victor Magtanggol’?

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

IN fairness, kung kailan tapos na ang Victor Magtanggol ay saka umingay ang pagli-link kina Alden Richards at Andrea Torres, na nagkasama sa katatapos na action-fantaserye ng aktor.

Andrea at Alden copy

Umuugong ngayon ang tsikang may relasyon na ang dalawa, at sakaling totoo ito, hindi na sila maaakusahang gumigimik at para sa publicity ang closeness, dahil nagtapos na ang kanilang show.

Ang basehan ng fans sa paniniwalang may relasyon sina Alden at Andrea ay ang kumalat na video sa farewell dinner ng cast, staff at crew ng Victor Magtanggol.

Lagi kasing magkatabi sina Alden at Andrea sa mga naglabasang litrato. Magkatabi sila noong pareho silang nakaupo at kahit sa picture taking, magkatabi rin.

Pinuna rin ng fans na noong nakaupo sila, magkadikit na ay nakalagay pa ang braso ni Alden sa likod ng upuan ni Andrea. Si Andrea naman, ‘tila nakahilig kay Alden.

Ginawa ring isyu ‘yung sa pareho ang sapatos sina Alden at Andrea, at sa palaro, pinagdidiskusyunan kung inabot ba ni Alden kay Andrea ang sapatos nito o hindi.

Sa mga susunod na araw, malalaman natin kung totoo ang paniniwalang na-develop sa isa’t isa sina Alden at Andrea habang ginagawa ang Victor Magtanggol. Sa showbiz naman, walang lihim na naitatago.

-NITZ MIRALLES