Kandidatura ng mga Cayetano, legal

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na walang mali sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano bilang kongresista sa District 1 ng Taguig City, at ang asawa nitong si Mayor Lani Cayetano, para naman sa District 2.

“Just by those facts alone, the facts that running in one district and his wife running in another district, there’s nothing wrong with that,” paliwanag ni Jimenez sa isang panayam sa radyo.

Ayon kay Jimenez, walang nilalabag na batas ang mga Cayetano sa kanilang desisyon na tumakbo sa magkahiwalay na distrito basta mapatunayan nilang residente sila o may tinitirahang bahay sa mga nasabing distrito kung saan nila napiling tumakbo.

Paliwanag naman ni Atty. George Garcia, abogado ng mag-asawa, walang basehan ang reklamong diskuwalipikasyon laban sa mga ito dahil malinaw sa batas na maaaring magkaroon ng maraming tirahan ang isang tao, at wala itong nilalabag na doktrina sa Supreme Court o election law.

  • jose manuel

    ang galling ano mr jimenez ,kung sakali pala apat na district ang taguig , yung si alan sa 1, yung asawa sa 2, yung anak na elder sa 3 ,at yung isa sa 4 ,can you imagine sir what kind of politics is that. taz sa maynila nman ubos Estrada , sa san juan lahat ejercito , sa Davao lahat duterte , and so on .