Department of Public Safety

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Tiyak na magkakaroon ng kapanatagan at kaayusan ang mga lokal na komunidad sa pagtatatag ng Department of Public Safety (DPS).

Ipinasa ng Kamara ang House Bill 7878, na layuning magtatag ng DPS sa bawat probinsiya, siyudad, at munisipyo sa bansa.

Sa pamamagitan ng voce voting, inaprubahan ng Kamara ang panukalang Public Safety Act na mag-oobliga sa lahat ng lokal na pamahalaan na magtatag at magmantine ng “fully functional and responsive central command and control center, and an emergency response and management system to protect and preserve the right of the people to life, liberty and property”.

-Bert de Guzman