Protesta sa France, 1 patay

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

PARIS (AP) — Nauwi sa karahasan ang “yellow vest protest” ng mga tao sa France na layong kondenahin ang pagtaas ng buwis sa gasolina.

Nasawi ang isang 63-anyos na raliyista nang mahagip nang naipit na sasakyan sa gitna ng rally habang nasa 227 ang nasugatan.

Mahigit 283,000 katao ang nakiisa sa protesta sa iba’t ibang bahagi ng France kung saan nauwi sa gulo ang ilang protesta nang tangkain ng mga demostrador na makapasok ang mga isinarang kalsada patungo sa sikat na Elysse palace, habang nasa 100 tao ang pumasok sa isang lokal representation ng estado at nanira ng mga gamit sa loob.