Vice at Sarah, magpansinan kaya sa giant Christmas Tree lighting?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NGAYONG Biyernes, 4:00 pm, ang lighting ng Giant Christmas Tree sa Times Square Food Park ng Araneta Center.

May taas na 100-foot ang giant Christmas Tree, na may 3,000 LED bulbs at mahigit 1,500 assorted decors tulad ng giant balls, giant bells, lighted poinsettias, at ang seven foot star topper ang nagsisilbing atraksiyon sa Araneta Center sa tuwing Disyembre.

Ang 37-anyos na tradisyon ng pagsisindi ng higanteng Christmas Tree sa Araneta Center ay dinadayo rin ng mga celebrities.

Sina Vice Ganda at Sarah Geronimo ang guests ngayong Biyernes, at aabangan ng lahat kung mag-uusap sila at kung bati na sila. Matatandaang hindi ipinalabas ng Gandang Gabi Vice ang guesting ng Pop Star Royalty dahil na rin sa utos ng ina ng aktres.

Promo sana iyon ng pelikulang Miss Granny ni Sarah sa GGV, pero dahil maraming tanong si Vice na ipina-edit ni Mommy Divine, wala nang natira sa show kaya minabuting hindi na lang ito iere.

Naging isyu ang guesting na iyon ni Sarah G, dahil nagsayang daw ng oras at kuryente raw ang programa ni Vice, pero hindi naman umere.

Anyway, maliit lang ang stage ng Araneta Center kaya imposibleng hindi magkita sina Vice at Sarah.

Bukod kina Sarah at Vice, panauhin din sina Darren Espanto, McCoy de Leon, TNT Boys, “Tawag ng Tanghalan Season 2” grand champion Janine Berdin, Vivoree Esclito, CK Kieron, at ang The Kids’ Choice jurors na sina Xia Vigor, Chunsa Jung, Onyok Pineda, Carlo Mendoza, at Jayden Villegas. OPM band Mojofly rounds up the list of performers.

Naroroon din ang Binibining Pilipinas queens na sina Miss Universe Philippines Catriona Gray, Binibining Pilipinas Supranational Jehza Huelar, Binibining Pilipinas Grand International Eva Patalinjug, Binibining Pilipinas Intercontinental Karen Gallman, and Miss Globe top 15 finalist Michelle Gumabao.

Sina Gretchen Ho, Benj Manalo, at ang komedyanteng si MC naman ang hosts.

-Reggee Bonoan