Update sa BRT iginiit sa DOTr

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Determinado ang mga kasapi ng House committee on transportation, sa pamumuno ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, na mag-isyu ng subpoena sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig nitong Miyerkules tungkol sa kalagayan ng proyektong Bus Rapid Transit (BRT).

Sa pagdinig, sinabi ni Sarmiento na ang BRT project ay isang napakahalagang isyu dahil makatutulong ito upang maibsan ang problema sa trapiko sa Metro Manila at Cebu.

Hindi nagustuhan ni Sarmiento ang pagkabigo ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon na dumalo sa nasabing pagdinig.

-Bert de Guzman