Toto Natividad, tatapatan ang nilayasang serye

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA mediacon ng bagong primetime action-drama series na Cain at Abel, nagulat ang mga press nang makita roon ang mahusay na action director na si Toto Natividad. May sumagot na bakit mapupunta sa presscon ng GMA Network si Direk Toto, na alam ng lahat na direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sa Channel 2.

Direk Toto copy

May nagsabi pa nga na baka hindi naman si Direk Toto iyon.

Nang isa-isa nang i-introduce ang buong cast at pagkatapos ang mga director, saka lang napatunayan na si Direk Toto Natividad nga iyon. Ang pakilala sa kanya ng host na si Patricia Tumulak, guest director si Direk Toto.

Bakit siya umalis sa ABS-CBN?

“Nagpa-release na ako sa contract ko sa ABS-CBN,” kuwento ni Direk Toto. “Nag-sign ako ng release contract. Malinis ang konsensiya ko, nagpaalam naman ako sa kanila. At masaya ako na i-share naman sa GMA ang talent ko, gusto kong mag-contribute ng kaalaman ko.

“Gusto ko munang maipanotaryo ang mga dokumento ko kaya sinabi kong ‘guest director’ muna ako. Kapag nai-submit ko na ang papers ko, saka na ako magiging director talaga ng Cain at Abel.”

Alam namin na marami nang nagawang action movies and action TV series si Direk Toto, pero pareho silang nagsimula ni Direk Joyce Bernal bilang film editors, kaya maraming pumupuri sa kanila na mahuhusay palang action directors ang mga film editors na tulad nila.

Sa full trailer pa lang ng Cain at Abel ay napakaganda na ng execution ng mga action scenes, at tiyak na mas magaganda at mga pasabog na eksena pa ang mapapanood sa action series, na pinagbibidahan nina Primetime King Dingdong Dantes at Drama King Dennis Trillo.

Mapapanood sila pagkatapos ng 24 Oras simula sa Monday, November 19.

-NORA V. CALDERON