Saludo: Para Gamers at YOG athletes

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TULAD ng mga pangkaraniwang atleta, maituturing elite athletes ang mga miyembro ng Philippine ParaGamers dahil sa kanilang sakripisyo at galing na naglilikha ng karangalan sa bayan.

MASAYANG naki-groupie si PSC Commissioner Ramos Fernandez kina Asian ParaGames gold medalist Ernie Gawilan at Arthus Bucay, habang nakiporma sa pamosong ‘Duterte fist’ sina (kanan) Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Executive Secretary Salvador Medialdea kasama si YOG gold medal winner Christian Tio.

MASAYANG naki-groupie si PSC Commissioner Ramos Fernandez kina Asian ParaGames gold medalist Ernie Gawilan at Arthus Bucay, habang nakiporma sa pamosong ‘Duterte fist’ sina (kanan) Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Executive Secretary Salvador Medialdea kasama si YOG gold medal winner Christian Tio.

Iginiit ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kalugod-lugod sa sambayanan ang ipinalas na determinasyon at husay ng mga atletang may kakulangan sa pangangatawan sa katatapos na Asian ParaGames sa Jakarta, Indonesia kung saan nakaoaguwi ang delegasyon ng 10 ginto, sa pangunguna ni multi-gold medalist Ernie Gawilan sa swimming.

“The President and I are truly proud of your success,” pahayag ni Medialdia, kumatawan kay Pangulong Duterte – kasalukuyang nasa Singapore para sa Asian Summit – sa payak na seremonya sa Malacanang.

“You have showed your competitors and the rest of the world the true fighting spirit and drive for excellence that the international community have come to know and expect from Filipinos,” aniya.

Pinangunahan ni Medialdea, kaagapay ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang pamamahagi ng cash incentives sa mga medallists sa ParaGames, gayundin sa Youth Olympics na ginanap na Argentina.

Kasama sa mga atletang dumalo upang tanggapin ang kanilang papremyo sina Gawilan, nagwagi ng tatlong ginto at dalawang silvers sa Asian Paragames at tumanggap ng tseke na nagkakahalaga ng P4 milyon, gayundin ang chess player na si Sander Severino na nagwagi ng apat na gintong medalya at tumanggap ng P2.6 milyon.

Kasabay nito ay iginawad din kay YOG silver medalist na si Christian Tio ang kanyang P2.5 milyon kung saan ay kaisa-isang batang atleta na nag-uwi ng medalya buhat sa nasabing kompetisyon sa larangan ng Kiteboarding.

Umabot sa kabuuang P36,150,000 milyong piso ang halaga na inilabas ng Malacanang bilang pagtugon na rin sa isinasaad sa ilalim ng batas RA10699, na mandato para sa mga insentibo ng mga atleta at coaches.

“This is the first batch of para athletes winning in the Asian level who benefitted from RA 10699. We are happy that we are answering the call of the president to make sports inclusive and accessible to the people,” pahayag ni Ramirez.

-Annie Abad