I wish I had more kids—Dina

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA grand media launch ng Cain at Abel, ang newest Kapuso teleserye, ay naka-one-on-one ni Yours Truly si Ms Dina Bonnevie, na gaganap na second wife ni Eddie Gutierrez sa serye, at stepsons niya sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, na parehong nasa title role.

Dina copy

“Actually, nakaka-excite ang role ko dito. Maganda ang tema ng istorya. Parang a celebration of magkakapatid. It’s about two brothers.

“When I look at the story nga, parang iniisip ko, sana Oyo Boy (Sotto) had a brother. Kasi ‘pag pinapanood ko ‘yung dalawa, sina Dennis at Dingdong, parang tanong ko sa sarili…ano kayang feeling kung nagkaroon ng brother si Oyo?

“Kung dalawa ‘yung naging anak kong lalaki, ang ganda siguro,” sabi ni Ms Dina, na may dalawang anak sa dating asawang si Bossing Vic Sotto, sina Danica Sotto-Pingris, at si Oyo nga.

Kumbaga hindi nila nasundan ni Bossing Vic ng another boy si Oyo, at may panghihinayang ang aktres. Pagkatapos magkahiwalay, hindi na rin naman nagkaroon ng second chance ang dating mag-asawa, at nagkaroon na sila ng kani-kanyang karelasyon.

“Ha, ha, ha…yeah. And that’s too late for now. Nakakahinayang, parang iniisip ko, I wish I had more kids. Sayang. Dalawa lang ang naging anak namin ni Vic. Si Danica at Oyo Boy.

“Maganda itong Cain at Abel. It’s a soap na everybody can relate to. Parang it’s about paghihiwalay, pagbabalikan, pag-aaway, pagyu-unite uli. Parang ito, makaka-relate ang lahat,” kuwento ni Ms Dina.

“Hindi naman lahat ng oras ang magkakapatid okay. May times na nag-aaway, nagkakainggitan, pero at the end of the day, love pa rin ang nangingibabaw.”

Anong feeling at hindi siya nawawalan ng teleserye projects?

“I’m so happy. Para sa akin, ang talent pala is ageless. Kasi 56 na ako ngayon. Pero nabibigyan pa rin ako ng role katulad dito sa Cain at Abel. I feel so blessed.”

-MERCY LEJARDE