Ruta ng Traslacion, ininspeksiyon

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Maagang nagsagawa ng inspeksiyon ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa rutang dadaanan ng Traslacion, o prusisyon para sa Mahal na Poong Nazareno, na idinaraos sa Quiapo, Maynila sa Enero 9, 2019.

Dakong 6:00 ng umaga pa lang ay nagsimula nang magsagawa ng ocular inspection ang mga opisyal at tauhan ng MPD, sa pangunguna ni Senior Supt. Marcelino Pedrozo, sa ruta ng Traslacion, mula sa Basilica Manor sa Quiapo, hanggang sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Kabilang sa mga napuna ng MPD ang mga bakod ng pagawain ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa harap ng National Museum, na kaagad na ipinabaklas.

Sinita naman ang isang ginagawang gusali sa Hidalgo Street, Quiapo, dahil sa kawalan ng mga safety nets.

Tiniyak din ng MPD na kaagad nitong ipaaayos ang ilang sirang kalsada at manhole sa daraanan ng Traslacion.

-Mary Ann Santiago