Presyo ng sardinas, tataas

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Inaasahang tataas na ang presyo ng sardinas sa susunod na buwan.

Ito ay kasunod ng abiso ng Canned Sardines Association of the Philippines na ipinadala nito sa Department of Trade and Inidustry (DTI) para sa 50-60 sentimos price increase sa kada lata ng sardinas.

Unang umapela ang grupong Laban Konsyumer sa mga manufacturer at retailer na ibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.

Gayunman, hinihirit ng grupo ng manufacturer na kailangan ang 5% na dagdag-presyo sa sardinas dahil sa umano’y mataas na presyo ng raw materials, petrolyo, labor, at maging ang paghina ng piso kontra dolyar.

Nilinaw naman ng mga manufacturer na sardinas lang ang magtataas ng presyo, at nilinaw na hindi tataas ang presyo ng de-latang corned beef at meatloaf pagsapit ng Disyembre.

-Bella Gamotea