Pamilya arestado sa ‘pagpatay’ sa 8 katao

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

CHICAGO (AFP) – Inaresto ng mga pulis sa US state of Ohio ang mag-asawa at dalawa nilang anak kaugnay ng “meticulously planned” na pagpatay sa walong katao— pito miyembro ng pamilya at isang fiancee.

Sina George Wagner III, Angela Wagner at kanilang mga anak na sina George Wagner IV at Edward Wagner ay akusado sa April 2016 massacre sa Peebles, isang rural village na 80 milya (130 kilometro) ng silangan ng Cincinnati.

“Members of one family conspired, planned, carried out and then allegedly covered up their violent act to wipe out members of another family,” pahayag ni Pike County Sheriff Charles Reader sa news conference.