PSU National tilt sa Nob.25-26

Filed under Balita Archive Balita RSS RSS Feed

PAPAGITNA ang pinakamahuhusay na local ice skaters, sa pangunguna ni 2017 seniors men’s champion Yamato Towe, sa ilalargang 2018 Philippine National Figure Skating Championships sa Nobyembre 25-26 sa SM MOA Ice Skating Rink.

Ayon kay Christopher Martin, sports director ng Philippine Skating Union (PSU), bukas ang torneo sa lahat ng mga miyembro ng ice skating club, gayundin sa mga novice skaters.

“Besides the elite and seniors category, open din tayo sa mga nagsisimula pa lamang na skaters,” pahayag ni Martin.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.philippineskating.org/pnfsc18