BF ni KC, inulan ng pasalubong suggestions

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PABALIK na sa France ang boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre-Emmanuel Plassart, at nagpatulong si KC sa kanyang friends at followers kung ano ang magandang ipasalubong ng BF sa pamilya nito pag-uwi sa Paris.

“Hi guys! Need your help with PASALUBONG IDEAS! What can @peplassart bring back from the Philippines for his fam & friends in France? Would love to hear your suggestions,” post ni KC.

Nakakatuwang basahin ang sagot ng mga kaibigan at followers ni KC, at karamihan sa kanila ay pagkaing Pinoy ang suggestion.

Nag-suggest si Jackielou Blanco ng chocnut or dried mangoes with chocolate. From Rita Neri, pastillas de leche at chocolate-covered mangoes naman ang mungkahi, habang may nag-suggest na para sa female family members ay aprub ang scarf made from piña or spoons made from mother of Pearls.

May nag-suggest din ng cocoa tablets, Batangas coffee beans, pastillas, chicharon, polvoron, tarts, at dried tuyo. May suggestion din para sa adobong mani at cornick. Mayroon ding nagmungkahi ng Christmas parols from Pampanga, habang ang isang follower ni KC ay nag-suggest ng San Miguel Pale Pilsen, na gusto raw ng ibang Frenchmen. Maganda rin ang suhestiyon ng isa na Cebu lechon para pasalubong.

Ang dami pang suggestion kay KC, at pati kung saan mabibili ang mga iyon ay sinabi na rin, kaya hindi na mahihirapang mag-isip at maghanap sina KC at PEP.

Nakapagtataka lang na hindi nag-post si Sharon Cuneta ng picture nina KC at PEP. Hindi tuloy alam kung nagkita si Sharon at ang kanyang future son-in-law. Wala ring nabanggit si Sharon na dumating sa bansa ang boyfriend ni KC.

-Nitz Miralles