UST jins, imakulada sa UAAP

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NANATILING walang dungis ang marka ng University of Santo Tomas sa men’s at women’s division ng UAAP Season 81 taekwondo tournament nitong Huwebes sa Blue Eagle Gym.

Sosyo ang Growling Tigers sa University of the Philippines (2-0) sa unang araw ng aksiyon, ngunit natikman ng Fighting Maroons ang manipis na 3-4 kabiguan sa kamay ng University of the East.

Nahila naman ng Tigresses ang karta sa 3-0 matapos gapiin ang De La Salle, 4-3.

Sumosyo ang National University sa UST sa liderato nang durugin ng reigning women’s champion ang Far Eastern University, 7-0.

Tangan ng UP ang 3-1 karta para sa No.2 spot sa men’s division matapos silatin ang Ateneo, 4-3.