Tony, selosong mahilig sa clingy

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NANG dumalo kami sa blogcon para sa digital film na Glorious nitong Huwebes ng gabi ay umabot na sa kulang 13 milyon ang views sa mapangahas na trailer ng pelikula nina Angel Aquino at Tony Labrusca, n a i d i n i r e k n i Concepcion (Connie) Macatuno, handog n g Dreams c a p e Entertainment, na mapapanood na sa Nobyembre 17 sa IWant.

Tony, Angel & Direk Connie copy

Wala pang isang linggong in-upload ang trailer ng Glorious ay naging viral na kaagad ito at topic sa lahat ng showbiz events na dinaluhan namin nitong mga nakaraang araw.

Kasi naman napanood ang Crush ng Bayan na si Angel habang nakikipaglaplapan kay Tony, kaya iisa ang sabi ng lahat, ang suwerte ng aktor sa aktres, dahil pumayag ang huli sa maseselang eksena.

Pero sa totoo lang, hindi naman din halatang malaki ang agwat ni Angel kay Tony, dahil ang ganda pa rin ng katawan ng aktres sa edad niyang 45 sa totoong buhay. Twenty two years ang tanda niya sa aktor, na 23 years old naman ngayon.

May eksenang sinabi si Tony kay Angel: “Buti nakatiis ka nang pitong taon (walang sex)”. Sinagot ito ng aktres: “Maybe naghintay ng tamang tao”, na bentang-benta sa lahat. Pati ang cake scene na habang kumakain sila ay isinubo ng binata ang kamay ng aktres, sabay sabing “ang sarap”.

Anyway, natanong si Tony kung gaano ka-importante sa isang relasyon ang sexual compatibility.

“I believe sex is important in a relationship. I honestly do. I think it’s important to respect one another,” sabi ni Tony. “But if you look at it kasi, a lot of marriages and relationships fail, one main problem is that they don’t have a good sex life. So, I think that’s God’s gift to a couple.” Walang karelasyon o idine-date ngayon si Tony, dahil mas prioridad niya ang career para makapag-ipon at makabili muna ng bahay para sa kanilang mag-iina.

Nasubukan naman daw niyang magmahal, at sa katunayan ay g e n e r o u s s i y a n g boyfriend o lover, dahil ini-spoil daw niya ang taong mahal niya.

“I think mapagbigay po ako. I think I like spoiling the person I’m in love with.

“I really like clingy people. So, walang problema ‘yun sa akin. And ako, honestly, medyo jealous type ako,” pag-amin ng binatang laki sa Canada.

Sabi ng iba ay ang pogi-pogi ngayon ni Tony dahil kay Angel, lalo’t viral ang Glorious trailer nila kaya madali siyang makakakuha ng babaeng gusto niya. Pero itinanggi ito ng aktor, dahil nakaranas na raw siyang mabasted.

“I think love is not easy to have. Because if it is, then everybody would have it and everybody would be able to enjoy it. So I think love is something that you really have to search for and dig deep to find in somebody. You go through a lot of trial and error,” paliwanag ni Tony.

Sa tanong sa binata kung may naramdaman siyang kakaiba kay Angel nang gawin nila ang love scenes nila.

“I guess you have to watch the film na lang po,” sabay ngiti niya.

Ang sundot ni Direk Connie, napahanga siya nang husto ni Tony dahil maski baguhan ay nakuha nito ang gusto niyang mga eksena at walang rehearsals.

“Paano mo ire-rehearse ang love scenes? Blocking puwede, pero ang rehearse, hindi puwede. At doon ako bumilib kay Tony, kasi sabi niya, ‘let’s do it na, Direk.’

“Testing the waters lang naman ako kung kaya ni Tony kasi nga ‘yung hinihingi kong eksena ay natural, organic, hindi ‘yung fake, eh. Napabilib niya talaga ako,” masayang kuwento ng direktora.

Hayan, hindi lang si Angel na ang pinagpapantasyahan ng lahat, pati na rin si Tony, dahil mukhang magaling daw sa kama.

Tumawa lang ang alaga ni Mario Colmenares sa narinig.

Magkakaroon ng celebrity screening ang Glorious sa Santolan Town Plaza sa Nobyembre 15, bago ito mapanood sa IWant sa Nobyembre 17.

-REGGEE BONOAN