Rayver mahilig magpalibre, Kris laging maraming pagkain

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKAKATUWA si Kris Bernal dahil hindi siya nahihiyang aminin na dati niyang crush si Rayver Cruz, na katrabaho niya ngayon sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Kris at Rayver copy

Inamin pa nga ni Kris na ini-stalk niya dati si Rayver sa social media. Kaya naman ganun na lang ang tuwa ng aktres nang maging leading man niya sa bagong afternoon prime series ng GMA-7 si Rayver.Sa mga pahayag ni Kris patungkol kay Rayver, halatang kinikilig uli siya, at hindi na nakakagulat kung bumalik ang crush niya sa aktor.

Pero walang dapat ikabahala ang GF ni Rayver na si Janine Gutierrez, dahil hindi ugali ni Kris na manulot ng karelasyon, bukod pa sa may BF din siya. Sure na hindi papayag si Chef Perry Choi na mawala sa kanya si Kris.

Sa mga susunod na episode ng Asawa Ko Karibal Ko, mapapanood na sina Kris at Rayver bilang magkarelasyon.

Nag-taping na ang dalawa, at nag-post na si Kris ng picture nila ni Rayver.

“Hey Rayver! It’s funny how I used to just watch you on TV and now I get to work with you as my leading man! WHIA! It hasn’t sunk in yet! So, whenever I call you ‘IDOL’, I mean it! Always grateful to have the opportunity to meet and work with amazing people! (P.S. Behind that pretty face is a SUPER KENGKOY guy, so much like Rodjun (Cruz), and mahilig sa ‘Libre ka naman, Kris’. Bwahahaha!”

Sumagot si Rayver: “Hahaha, grabe ikaw ang idol ko!!! Mabait na, magaling pa, dami pang dalang pagkain. Hahaha! Thanks Krisss.”

-Nitz Miralles