Prosecutor, nilooban sa Ilocos Sur

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Tinangay ng hindi pa nakikilalang mga miyembro ng “Akyat-Bahay” gang ang gamit at pera ng isang prosecutor sa Catayagan, Sta Lucia, Ilocos Sur, kahapon.

Agad nagpasaklolo sa pulis si Atty. Cristopher Habab, 43, ng Barangay Catayagan, Sta Lucia, nang mapansin niyang nawawala ang mahalaga niyang gamit at pera.

Sa police report, nadiskubre ng biktima na pinasok ang kanyang bahay nang mawala ang kanyang cellphone, na nagkakahalaga ng P800; laptop, P60, 000; dalawang rubber shoes, P8,000; at P1,000 cash.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

-Liezle Basa Iñigo